Filipino Body Language and the Importance of Non-verbal Communication with your Filipina

Image
 As you may have gathered, if you have been following my blog for a while, I can speak Tagalog, and I have even created a series of blog posts that touch on the subject of Tagalog grammar. Because I am interested in making my marriage with my Filipina not only work but actually thrive, I have been taking the study of the Filipino language and culture very seriously since I entered this relationship back in 2000. Now I am at a point where my wife and I can quickly and easily switch from Italian and English to Tagalog. Yet, being able to communicate verbally is just a tiny part of the equation of effective communication. Many experts talk about the idea that around 93% of human communication occurs through non-verbal cues and only the remaining 7% is accomplished through words. When I look at this issue through this lens I realize that my efforts to master the Filipino culture and language count for very little if I don't work on improving my non-verbal communication. So in this post

Aglutinasyon sa Wikang Tagalog

 


Ang Tagalog ay bahagi ng malaking pamilya ng mga wikang Austronesyano.

 

Ang Austronesyano ay ang isang pamilya ng mga wika na sinasalita sa isang malawak na bahagi ng daigdig: sa Madagascar, sa Malaysia, sa Pilipinas, sa Taiwan, sa mga Isla ng Pasipiko at iba pa (pati dito sa Roma.... maraming Pilipino kasi dito...)

 

Ang isa sa pangunahing mga katangian ng mga wikang Austronesyano ay ang aglutinasyon.

 

Sa madaling salita ang aglutinasyon ay ang pagdidikit ng iba't ibang mga morpema.

 

Ang isang morpema naman ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na may sariling kahulugan.

 

Halimbawa sa wikang Ingles ang salitang breakable ay binubuo ng dalawang morpema (break at able) at bawat isa ay may sariling kahulugan

 

Sa wikang Tagalog mayroon ang mga tinatawag na morpemang malaya at ang mga morpemang di-malaya.

 

Ang unang kategorya ay ang mga morpema na pwedeng bigkasin nang mag-iisa at na hindi lagi nangangailangan ng ibang morpema na nakakabit.

 

Ang ilang halimbawa ay:

 

Talino, ganda, basa, kanta etc

 

Ang mga morpemang di-malaya ay ang mga morpemang ikinakabit sa malayang morpema.

 

Ang mga iyon ay tinatawag na panlapi.

 

Ang mga panlapi ay mga yunit ng salita gaya ng mag-, -um-, ma-,maka-,makapag- etc

 

Ang mga morpemang di-malaya ay walang kahulugan na buo, pero may sariling kahulugan pa rin, sa diwa na mayroon silang grammatical function, in the sense na nagtuturo sila, bilang halimbawa, kung ang isang salita ay ang isang pandiwa, ex magbasa, ang isang pang-uri, ex matalino o isang pangngalan, ex katalinuhan at nagtuturo sila kung ano ang pokus sa isang pangungusap (halimbawa kung ginagamit ko ang magbasa ako, ako ang pokus, kung ginagamit ko ang binabasa ko ang libro, ang libro ay ang pokus).

 

Mayroon naman 3 uri ng panlapi na tinatawag na:

 

Unlapi ex mag-

 

Gitlapi, ex -um-

 

Hulapi, ex -in


Sa hinaharap mag-popost ako ng karagdagang mga artikulo tungkol sa balarilang Tagalog 


Comments

Popular posts from this blog

"Isang Kahig Isang Tuka"

Mga Pangngalan at mga Panlaping Maka-ngalan sa Wikang Tagalog

Nouns in Tagalog and "Panlaping Makangalan"