Filipino Body Language and the Importance of Non-verbal Communication with your Filipina

MGA PANG-URI
Ang isang importanteng bahagi ng pagsasalita ay ang mga pang-uri.
Ang mga pang-uri ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang pangngalan.
Gaya ng binanggit ko sa post tungkol sa mga pangngalan, ang isang pangngalan ay ang isang salitang tumutukoy sa:
Isang persona ex presidente
Isang lugar ex kusina
Isang ideya o konsepto ex katalinuhan
Isang hayop ex aso
Isang bagay ex mesa
Ang mga pang-uri ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang pangngalan. Halimbawa ang isang mesa ay may iba't ibang katangian: may mga mesa na maganda, may mesa na pangit. Sa katulad na paraan may mga tao na pangit, maganda, matalino, bobo etc.
Para bumuo ng isang pang-uri kadalasang ginagamit ang isang panlaping makauri. Mayroon din maraming pang-uri na hindi nangangailangan ng panlapi gaya ng bobo, pangit at marami pa.
Ang iba naman ay nangangailangan ng panlapi tulad halimbawa ang pang-uring mabuti
MGA PANLAPING MAKA-URI
1 ma- pagkakaroon ng katangian na nasa salitang-ugat
Halimbawa: maganda=pagkakaroon ng ganda
2. maka- nagbibigay ng ideya ng pagkiling o pagkahilig sa bagay na nasa salitang-ugat
Halimbawa: makalaman=may hilig para sa mga pagnanasa ng laman
3. maka- nagbibigay ng ideya ng isa na may kakayahang gawin ang nasa salitang-ugat
Halimbawa: makadurug-puso=may kakayahang durugin ang puso
4. mala- nagbibigay ng ideya ng pagiging gaya ng kung ano ang itinatawid ng salitang-ugat
Halimbawa: malasibuyas=gaya ng sibuyas
5. mapag- tumutukoy sa isang ugali
Halimbawa: mapagbiro=may ugali na magbiro
6. mapang~ mapan~ mapam~ isa na regular na gumagawa ng tinutukoy ng salitang-ugat
Halimbawa: mapang-away= isa na regular na nagsasangkot ng sarili sa awayan
7. pala- isa na laging gumagawa ng tinutukoy ng salitang-ugat
Halimbawa: palaisip=lagi nag-iisip, sobra nag-iisip
8. pang-~ pan-~ pam- tumutukoy sa instrumental na paggamit
Halimbawa: pampatibay=upang patibayin
Ang mga salita na nagsisimula sa pam- ay pwede kapwa ituring pangngalan o pang-uri. Sa halimbawang nasa itaas, kung sinasabi ko "pampatibay na salita" ang pampatibay ay isang pang-uri dahil nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pangngalang "salita". Kung sasabihin ko "kailangan ko ang isang pampatibay" sa pagkakataong ito ang salitang pampatibay ay ang isang pangngalan.
9.-an~ han pagkakaroon ng katangian na nasa salitang-ugat nang higit sa karaniwang dami, laki o tindi
Halimbawa: duguan=mahilig sa dugo ex duguan ang pag-iisip, marahas na tao
10. in- tulad sa tinutukoy ng salitang-ugat
Halimbawa: sinampalok=tulad ng sampalok
11. in/-hin katangian ng isa na madaling nagkakaroon ng tinutukoy ng salitang-ugat
Halimbawa: lagnatin=isa na madaling nilalagnat
Comments
Post a Comment