Ang Wikang Italyano para sa mga Pilipino - Bahagi 3: mga Regular at di-Regular na Pandiwa

MGA PANGNGALAN
Ang isang pangngalan ay ang isang salita na tumutukoy sa:
Isang bagay-halimbawa mesa
Isang persona-halimbawa presidente
Isang lugar-halimbawa: tindahan
Isang ideya-halimbawa: katalinuhan
Ang karamihan ng mga salitang-ugat na walang panlapi ay mga pangngalan
Ang ilan ay katutubong Tagalog na mga salita samantala marami ay nagmumula sa Espanyol (silya, mesa) o Ingles (kompyuter, gadyet)
Bukod sa mga pangngalan na walang panlapi mayroon maraming uri na may isa o mahigit sa isang panlaping makangalan.
Heto ang isang medyo kumpletong listahan ng mga halimbawa
MGA PANLAPING MAKANGALAN
Ka- kasama
ex kainuman, katrabaho
ka-....-an or ka-...-han: isang ideya o konsepto
Ex: kagandahan, kaalaman, kaunawaan
Pan-: instrumento
Ex: pantulong
"-an" at "-han"
1. lugar kung saan masusumpungan maraming mga bagay na tinutukoy ng salitang ugat.
Ex: aklatan, bigasan
2. Ganapan ng isang kilos
Ex: aralan, lutuan
3. Panahon na ang kilos ay nangyayari sa malaking antas
Ex: pistahan, anihan
4. Kilos na ginagawa bilang pagtugon
Ex: barilan, suntukan
5. Malaking antas ng bagay na tinutukoy ng salitang ugat
Ex: duguan
"in o hin"
1. relasyon
Ex: tiyuhin, inapo
2. Kahugis ng salitang ugat
Ex: sinampalok
"ka"
1. Bahagi ng isang grupo
Ex: kabayan
2. Kasama sa kilos na isinasaad ng salitang ugat
Ex: kalaro
"ka – an"
1. Grupo ng mga bagay na tinutukoy ng salitang ugat
Ex: kabahayan
2. Sukdulan ng isang situwasyon
Ex: kainitan
"mag"
1. Relasyon sa loob ng pamilya
Ex: mag-ama
2. mag- + dinodoble ang unang pantig ng salitang ugat=propesyon
Ex: manggagamot
"tag"
1. season
Ex: tag-ulan
"taga"
Trabahador
Ex: tagalinis
Comments
Post a Comment