Salitang Ugat at Panlapi sa Wikang Tagalog
Sa Tagalog maraming mga salita ay binubuo sa pamamagitan ng isang saligang salita na tinatawag na ugat at isa o mahigit pang panlapi, o "affix" sa wikang Ingles.
Ang isang halimbawa ay ang salitang ugat ganda.
Batay sa uri ng panlapi na idinidikit ng isa sa salitang ugat pwedeng bumuo ng isang
Pandiwa (verb): halimbawa gumanda
Sa ganitong halimbawa ang uri ng panlapi, ibig sabihin ang -um- ay tinatawag na gitlapi dahil nasa gitna ng salitang ugat
Pang-uri (adjective): maganda
Ang panlaping ma- ay tinatawag na unlapi dahil nasa unahan ng salitang ugat
Pangngalan (noun): kagandahan
Ang ka- ay, syempre pa, ang isang unlapi, samantala ang -(h)an ay ang isang hulapi dahil nasa huling dako ng salita.Syempre naman, sa wikang Tagalog di-hamak na mas marami ang mga panlapi kaysa sa -um-, ma- at ka-....-an.
Kaya sa darating na mga post ay magpopokus ako sa iba't ibang uri ng
1 panlaping makangalan
2 panlaping makauri
3 panlaping makadiwa
Comments
Post a Comment