Simuno at Panaguri sa isang Pangungusap

"Ang kape ay pampagana".Ano ang simuno dito, at ano ang panaguri?
Sa isang pangungusap (o "sentence" sa English) ay mayroon dalawang bahagi: ang SIMUNO at ang PANAGURI.
Ano ang SIMUNO at ano ang PANAGURI?
SIMUNO
- Ang isang tao (o grupo ng mga tao) o ang isang bagay na pinag-uusapan. Ito ay ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa, sa isang pangungusap katulad: "si Maria ay maganda" sino ang pinag-uusapan?
Syempre "si Maria".
Sa pangungusap "ang bahay ko ay nasa ibabaw ng isang bundok" ano naman ang pinag-uusapan?
Syempre "ang bahay".
Kaya, sa mga halimbawa na nasa itaas ang tao (si Maria) na pinag-uusapan at ang bagay (ang bahay ko) na pinag-uusapan ay ang paksa o simuno.
PANAGURI
Ano kaya ang "panaguri"?
- Ang "panaguri" ay ang bahagi ng pangungusap na "nagsasabi" tungkol sa "simuno".
Kaya sa dalawang halimbawa na nasa itaas ang mga panaguri ay:
"ay maganda"
At
"ay nasa ibabaw ng bundok".
Comments
Post a Comment