Trabaho at Magkano ang Sahod sa Italya

Image
Sumusulat ako ng post na ito batay sa aking kaalaman bilang Italyanong asawa ng isang Pinay OFW na may maraming Pinoy na kaibigan dito. Sa kabila ng matinding krisis sa ekonomya dito sa Italy, karamihan ng mga Pinoy na kaibigan ko ay may trabaho at may disyenteng buhay.  Sabihin natin na dito sa Italya ang sahod ay medyo mababa kumpara sa mga bansa ng hilagang Europe at ang sahod ng maraming mga Pinoy na nagtratrabaho bilang katulong ay hindi lumalampas sa 7€ per oras. Mayroon tatlong pangunahing mga paraan dito sa Italy para magtrabaho sa domestic sector: Live-in Lungo orario (mahabang oras sa iba't ibang amo o sa isa na lang) Part-time (4-5 oras sa isa o mahigit sa isang amo) LIVE-IN WORK Dahil sa mahirap nang asahan na ang sahod per oras ay lumalampas ng 7€ (at mayroon din pagkakataon na ang sweldo ay nasa 5€ na lang) tiyak na ang pinakamagandang situwasyon para sa isang pamilyang Pinoy na may anak at na may kamag-anak sa Pilipinas na umaasa sa tulong ay kung libre ang bahay, ib

Ang Wikang Italyano para sa mga Pilipino - Bahagi 2: mga Pandiwa



Ang pinakamahirap na bagay tungkol sa wikang Italyano ay ang mga berbo o pandiwa.

Dito talagang nahihirapan ang maraming OFW na nagtratrabaho dito sa Italya.

Ang pangunahing dahilan kung bakit napakakumplikado ng mga pandiwa sa Italyano ay na mataas ang inflection. Ang salitang "inflection" ay tumutukoy sa kung papaano nagbabago ang isang salita, at sa Italyano talagang malaki ang pagbabago ng anyo ng mga berbo o pandiwa.

Ang isang halimbawa ay ang pandiwang "andare" na nangangahulugang "pumunta".

"Andare" ay ang tinatawag na "base form" o "infinitive" ng pandiwa.

Pero kung halimbawa gusto kong sabihin "pumupunta ako", ang "andare" ay nagiging "vado". Kung nais kong sabihin "ikaw ang pumupunta" ang "andare" ay nagiging "vai".

Akalayin ninyo! Mahirap talaga.

Ang ginagawa ng maraming Pilipino na nagtratrabaho sa Italya ay na ginagamit lang nila ang "base form" at umiiwas sila sa "conjugation".

Pwede naman, sa diwa na, bagaman hindi ito tumpak, naiintindihan naman ng mga Italyano ang ibig sabihin ng mga Pilipino kahit walang conjugation o mali ang conjugation.

Kaya, ang aking mungkahi para sa mga Pilipino na nagtratrabaho sa Italya at gustong matuto ng Italyano, ay magsimula sa "base form" lang at matuto muna ng pinakakaraniwang mga pandiwa, yaong mga ginagamit sa pang araw-araw na komunikasyon, at unting-unti matuto ng pangunahing mga conjugations. 

Kaya, bilang pasimula, ang unang bagay na dapat malaman tungkol sa mga Italian verbs ay na mayroon 3 uri ng mga iyon:

Mga berbo na ang "hulapi" ay -are 

halimbawa:

"andare" = pumunta

"mangiare" = kumain 

"riposare" = magpahinga

"ritornare" = bumalik

"arrivare" = dumating 


Mga berbo na ang "hulapi" ay -ere 

Halimbawa:

"bere" = uminom

"sapere" = malaman 

"conoscere" = makilala


Mga berbo na ang "hulapi" ay -ire 

Halimbawa:

"partire" = umalis

"dire" = sabihin 

"guarire" = gumaling


Bukod sa matuto ng pinakakaraniwang mga pandiwa kailangang din matuto ng pinakakaraniwang mga "pangngalan" (o "nombre"="noun), mga salitang ginagamit para ilarawan mga tao, hayop, tao, ideya o konsepto.

Ang pinakamadaling paraan para gawin ito ay matuto ng mga terminong tumutukoy sa isang partikular na bagay, halimbawa mga pagkain, mga bagay na mayroon sa loob ng bahay etc.

Mga (karaniwang) terminong tumutukoy sa pagkain:

"pane" = tinapay

"riso" = kanin

"carne" = karne

"pesce" = isda

"zucchero" = asukal

"sale" = asin

etc. (ang internet ay puno ng mga listahan ng mga salita na pwedeng i-download)

Sa loob ng ilang panahon ay pwedeng magpokus sa terminolohyang tumutukoy sa pagkain.

Mamaya pwedeng matuto ng mga salitang ginagamit sa ibang kategorya (transportasyon, negosyo, bahay etc.)

Ang ikatlong pangunahing hakbang ay matuto ng mga "panghalip", gaya ng:

"io" = ako

"tu" = ikaw

"lui/lei" = siya (lalaki/babae)

"noi" = kami/tayo

"voi" = kayo

"loro" = sila

Kapag alam na ninyo ang sapat na mga "pandiwa" (kahit man lang ang "base form" muna), mga "pangngalan" at "panghalip" pwede nang bumuo ng ilang mga "pangungusap" o "sentence".

Kunin natin halimbawa ang pandiwang "mangiare" o kumain at ang salitang "riso" o kanin.

Papaano kaya sasabihin natin "kumakain ako ng kanin?"

"Io (ako) mangiare (ang tamang conjugation sana ay "mangio", pero kalimutan muna nating ito at magpokus lang muna tayo sa "base form") riso"

Ayos! Bumuo na tayo ng isang sentence! "Io mangiare riso" (medyo mali dahil walang conjugation pero pwede na iyan ...)

Sige, sa susunod magpopost ako ng karagdagang impormasyon 

Sapat na ito para sa post na ito para hindi maging sobrang kumplikado ang mga bagay bagay....

Comments

Popular posts from this blog

"Isang Kahig Isang Tuka"

Salitang Ugat at Panlapi sa Wikang Tagalog

Simuno at Panaguri sa isang Pangungusap