Ang Wikang Italyano para sa mga Pilipino - Bahagi 3: mga Regular at di-Regular na Pandiwa
Ang mahirap tungkol sa wikang Italyano ay na mayroon maraming di-regular na mga berbo o pandiwa.
Ang mahirap ay na may malaking pagkakaiba sa pagitan ng "base form" at ang "conjugated form".
Sa Tagalog wala gaanong pagkakaiba: halimbawa ang "base form" ng pandiwang "pumunta" ay nagiging "pumunta", "pumupunta" at "pupunta".
Pero ang katumbas na pandiwang Italyanong "andare", kapag ginagawa ang conjugation, ay nagiging:
Io vado = ako ay pumupunta
Tu vai = ikaw ay pumupunta
Lui/lei va = siya ay pumupunta
Noi andiamo = kami o tayo ay pumupunta
Voi andate = kayo ay pumupunta
Loro vanno = sila ay pumupunta
Isip-isipin ninyo: ang "andare" ay nagiging "vado", "vai", "va" etc.
Paano pwedeng matuto ng mga iyan?
Wala ibang solusyon kundi matutuhan ang pangunahing mga berbo at isaulado ang iba't ibang mga conjugation.
Isipin na lang ninyo na sa wikang Italyano 21 ang mga "tense"!
Sa post na ito lilimitahan ko ang aking sarili sa pagpapaliwanag ng "present tense" na lang at gagamitin ko 2 berbo, isa na regular at isa na di-regular.
Sa halimbawa na nasa itaas nakikita na ang "present tense" ng berbong "andare" o "pumunta".
Ang isa pang halimbawa ng isang di-regular na pandiwa ay "essere" ("maging" o, para mas tumpak, "to be" sa English)
Base form = essere
Conjugated form (present indicative):
Io sono
Tu sei
Lui/lei รจ
Noi siamo
Voi siete
Loro sono
Gaya ng sinabi ko sa naunang post, may mga berbo na nagtatapos sa "are", gaya ng "andare", mga berbo na nagtatapos sa "ere", gaya ng "essere" at mga berbo na nagtatapos sa "ire".
Isang halimbawa ng "ire" na uri ng berbo ay "dormire" na nangangahulugang "matulog".
Ang berbong "dormire" ay regular at, at least, ang conjugation nito ay hindi sobrang lumalayo sa "base form".
Io dormo (gaya ng nakikita ang unang bahagi ng salita, ang mga letrang "dor" ay hindi nagbabago)
Tu dormi
Lui/lei dorme
Noi dormiamo
Voi dormite
Loro dormono
Sa susunod na post ay magbibigay ako ng mas maraming halimbawa ng pinakakaraniwang mga berbo at ang conjugation ng mga iyon sa "present tense".
Comments
Post a Comment