Ang Wikang Italyano para sa mga Pilipino - ang Past Tense
Gaya ng sinabi ko sa naunang post, ang mga pandiwa o berbo sa Italyano ay medyo masalimuot, lalo na dahil maraming mga berbo ay di-regular at, dahil dito, ang conjugation ng mga iyon ay lumalayo nang malaki mula sa "base form".
Kaya ang pinakamabuting bagay ay matuto ng pinakakaraniwang mga berbo at isaulado ang mga conjugation.
Sa ngayon magpopokus ako sa ilang karaniwang mga berbo na kadalasang ginagamit sa wikang Italyano at ipakikita ko ang conjugation ng mga iyon sa isang uri ng "past tense" na tinatawag na "passato prossimo".
Sa wikang Italyano ay mayroon mahigit sa isang "past tense" at ang pinakakaraniwan ay ang
PASSATO PROSSIMO O "MALAPIT NA NAKARAAN" (ISANG KILOS NA GINAWA KAMAKAILAN LANG)
PASSATO REMOTO O "MALAYONG NAKARAAN" (KILOS NA GINANAP MARAMING PANAHON ANG NAKALIPAS: BAKA ISA O MAHIGIT SA ISANG TAON ANG NAKALIPAS)
PASSATO PROSSIMO
Ang "passato prossimo" ay binubuo sa pamamagitan ng "present tense" ng mga auxiliary verb "avere" (to have) o "essere" (to be) + ang "past participle" ng berbo.
Paano binubuo ang "past participle"?
Gaya ng sinabi ko na, sa Italyano mayroon 3 pangunahing mga "conjugation":
1 mga berbong may panlaping -are (halimbawa "andare" o "pumunta")
2 mga berbong may panlaping -ere (gaya ng "bere" o "uminom"
3 mga berbong may panlaping -ire (gaya ng "dormire" o "matulog")
Ang "past participle" ng mga berbong may panlaping-are ay "-ato" (ex "andato")
Ang mga berbong -ere ay nagiging "-uto" (ex "bere" ay nagiging "bevuto")
Ang mga berbong -ire ay nagiging "-ito" (ex "dormito"
Sa ilang kaso ang "auxiliary verb" na ginagamit kasama ng "main verb" ay "avere", sa iba naman ay "essere". Depende sa situwasyon at wala ibang magagawa kundi pag-aralan bawat berbo kung aling auxiliary ang kasama ninya.
Kaya kunin natin ang 3 berbo na binanggit kanina: "andare", "bere" at "dormire".
At repasuhin natin saglit ang mga conjugation ng "avere" at "essere" at isama natin sa kanila ang past participle ng 3 mga berbong binanggit kanina
AVERE
Io ho bevuto ("bere" ay nangangailangan ng "avere" hindi "essere" bilang auxiliary verb)/dormito (kahit "dormire" ay nangangailangan ng "avere"): I have drunk/slept
Tu hai bevuto/dormito: you have (actually ang literal na salin ay I am, hindi I have) drunk/slept
Lui/lei ha bevuto/dormito: he/she has drunk/slept
Noi abbiamo bevuto/dormito: we have drunk/slept
Voi avete bevuto/dormito: you have drunk/slept
Loro hanno bevuto/dormito: they have drunk/slept
ESSERE
Io sono andato ("andare" ay kasama ng "essere", hindi "avere"): I have gone
Tu sei andato: you have gone
Lui/lei รจ andato/andata (kung "lei" ang pang-halip kailangang i-switch ang berbo sa "feminine gender"): he/she has gone
Noi siamo andati (kung plural ang pang-halip nagiging plural din ang berbo sa ilang kaso): we have gone
Voi siete andati: you have gone
Loro sono andati: they have gone
Itong tense na ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring ginanap KAMAKAILAN LANG.
Ang kapanahunang ginagamit para sa mga ebentong nangyari maraming panahon ang nakalipas ay tinatawag na "passato remoto".
PASSATO REMOTO
Ito ay, baka, ang pinakamahirap na kapanahunan sa wikang Italyano.
Dahil napakarami ng mga "irregularity", ang pinakamainam ay pag-aralan ang conjugation sa bawat berbo dahil mahirap ipaliwanag ito, yamang walang "general rule" na balido para sa lahat ng mga pandiwa.
Heto ang halimbawa ng conjugation ng "passato remoto" para sa mga pandiwang "avere" at "essere"
AVERE
Io ebbi (oo: ang base form "avere" ay nagiging "ebbi" na sobrang malayo talaga sa "base")
Tu avesti
Lui/lei ebbe
Noi avemmo
Voi aveste
Loro ebbero
ESSERE
Io fui (isip-isipin ninyo: ang "essere" ay nagiging "fui")
Tu fosti
Lui/lei fu
Noi fummo
Voi foste
Loro furono
Mahirap talaga.... naiintindihan ko....
Comments
Post a Comment