Ano ang Kalagayan ng mga Estrangherong Walang Papel sa Italy?

Dito sa Italy ang mga Pinoy na OFW ay humigit-kumulang 300,000.

Ito at least ang opisyal na bilang na hindi nagrerekord ng maraming mga TNT o Tago Nang Tago.

Ano ang Kailangan Para Maging Legal Dito?

Para maging legal sa Italy at iwasang maging isang TNT ang kailangan ay:

  • Ang isang entry visa na ang validity ay hanggang 90 araw
  • Ang tinatawag na "permesso di soggiorno" o "permit of stay" kung gusto ng isang "extracomunitario" (taga labas ng European Union) manatili dito mahigit sa 90 araw
  • Ang "carta di soggiorno" o "permanent resident permit" na ibinibigay sa mga may asawang Italyano o sa mga naging legal resident dito sa loob ng at least 6 na taon at na may sapat na income at disyenteng bahay na may tamang sukat.

Kumusta ang Kalagayan ng mga Walang Legal Requirement Para Manatili Dito?

Sabihin natin na, dahil tulong-tulong ang mga Pilipino at dahil karamihan ng mga Pinoy dito ang may kamag-anak dito, nakakaraos naman ang mga TNT.

Bukod dito maraming amo ay ayaw magbigay ng kontrata sa mga trabahador, kaya maraming TNT ang may work pa....

Subalit, sa kabila ng aktuwal na nangyayari sa totoong buhay, dapat isaalang-alang ang sinasabi ng batas at ang posibleng negatibong bunga ng pagiging TNT.

Ayon sa batas ang posibleng mangyari sa isa na ang kanyang visa o permit of stay ay expired na o isa na wala kahit anong visa o permit of stay ay:

  • Expulsion, na sa madaling salita ay nangangahulugan na bibigyan ka ng isang deadline para kusang umalis sa bansa....bihira ang kaso na ang isang Pilipino ay dinadala ng pulis sa eroporto at pinipilit na sumakay sa eroplano (masyadong magastos iyon para sa gobyerno....)
  • Kaso sa korte para sa krimen ng "illegal immigration" o "clandestinity"

Kung Papaano Iwasan ang Expulsion

Pwedeng iwasan ang expulsion sa sumusunod na situwasyon:

  • Buntis ang isang babae
  • Menor de edad ang isang TNT
  • Kung sino ang magiging biktima ng pulitikal o relihyosong pag-uusig kung babalik siya sa kanyang bansa

Ito ang ilang mga saligang impormasyon tungkol dito.

Sana makakatulong itong impormasyon.....

Comments

Popular Posts