Anong mga Trabaho ang Pwede mong Pasukan sa Italy?

Bilang Italyanong asawa ng isang Pilipinang OFW mayroon akong kaunting alam tungkol sa kalagayan ng mga Pilipino dito.

Mga Pros at Cons ng Trabaho Dito

May maraming pros at maraming cons ng trabaho sa Italy (mas marami yata ang mga cons....)

Ang ilang mga pros ay na dito ang mga doctor, hospital at gamot ay libre dahil hawak ng gobyerno.

Hawak din ng gobyerno ang pampublikong transportasyon, ang mga paaralan at kolehyo kaya medyo mura ang mga iyon.

Ang mga cons ay halimbawa na dito bihirang magagamit ng isang Pilipino/a ang kanyang pinag-aralan sa Pilipinas, maliban kung ang isa ay nag-aral para maging nars dahil paminsan-minsan may kaunting oportunidad sa larangang iyon.

Ang isa pang problema dito ay na sobrang mataas ang upa at bills ng bahay kumpara sa sahod at halos walang natitira kung isa lang ang nagtratrabaho sa isang pamilya.

Katulong at Caregiver

Syempre ang "default" na trabaho ng isang Pilipino/a dito ay ang trabaho bilang katulong o caregiver.

Batay sa aking obserbasyon ang masasabi ko ay na ang ganitong uri ng trabaho ay nagiging napakasulit kung sobrang mayaman ang amo at mabait siya: ang ganitong uri ng amo ay handang maglaan ng isang buong apartment para sa pamilya ng katulong kaya, dahil walang problema sa upa, pagkain at kuryente, may natitirang pera para bumili ng magandang kotse (at sa maraming kaso naman regalo ng amo pa ang kotse....2nd hand syempre...ano naman ang inaasahan ninyo, bago?....) at suportahan ang mga kamag-anak at ang kanilang mga kamag-"alak" sa Pilipinas.

Kung hindi live-in ang trabaho at dapat bayaran ang upa baka ang tanging solusyon para magkaroon ng medyo maluwag na buhay ay mag-share ng apartment kasama ng isang ka-boarder na pamilya o patayin ang sarili sa sobrang trabaho mga 12-15 oras sa isang araw....sa iba't ibang amo.

Mga Restaurant

Maraming Pilipino dito ang nagtratrabaho bilang tagaluto, dishwasher at waiter at, bukod sa mas mataas ang sweldo kaysa sa katulong may mga tip pa.

Maraming mga kabataang Pinoy ang nagtratrabaho bilang sushi chef: dito ang sahod ay nakadepende sa kung sino ang amo dahil karamihan ng mga sushi restaurant dito ay hawak ng mga Intsik.....pero mayroon din mga Italyano na humahawak ng mga negosyo na naghahanda ng mga tray ng sushi na ibinebenta sa mga supermarket at doon, kung minsan, ang sahod ay medyo maayos dahil nasa 2000€ pataas (monthly).

Supermarket at Tindahan

Pwede magtrabaho sa mga supermarket o tindahan pero, sa palagay ko, kalimutan ninyo ang ganitong klaseng trabaho dahil kung minsan ang sahod ay hindi pa umaabot sa 1000€

Mga Fast Food

Isang malaking NO-NO: kadalasan ang sweldo ay nasa 800€ lang....

Nars

Iyon yata ang pinakamataas ang sweldo kung may bukas na pagkakataon: kilala ko 2 Pilipinang nars dito at ang sweldo nila ay madaling lumalampas ng 2000€ kada buwan...

Bukod sa listahan ng mga posibleng trabaho na inilista ko sa itaas mayroon din ibang mga (posibleng) option at diskarte:

  • Magluto ng pagkain sa bagay at magbenta nito tuwing linggo ng umaga sa mga Pinoy na nagtatambay sa harap ng rebulto ni Rizal (mayroon Luneta dito sa Roma!)
  • Mag-ayos ng mga sasakyan ng mga kabayang Pilipino
  • Mag-regalo kayo ng inyong resident permit sa Italy sa isang kamag-anak na nasa Pilipinas (pwede naman niyang palitan ang picture....) sa ilalim ng kondisyon na siya ang magtratrabaho dito at magpapadala sa inyo buwang-buwan....

Mabuhay Italya!

Baka better off sa Pilipinas na lang: simple ang buhay at sariwa ang buko...

Comments

Popular Posts